Excerpts from Noreen Capili’s “Parang Kayo Pero Hindi”: “Parang Kayo Pero Hindi”
The “parang kayo pero hindi” stage. Others call it MU or mutual understanding. Pseudo relationships. Pseudo boyfriends. Flings. Almost like a relationship, but not quite. It is a phase where the persons involved are more than friends, but not quite lovers. Puwedeng may verbal agreement, puwedeng wala. One or both of you may have admitted your feelings, possible din na hindi. You just let your gestures do the talking for you. Walang pormal na ligawan na nangyari. Hindi kayo magdyowa, pero sa kilos ninyo at sa mga sinasabi ninyo, parang kayo pero hindi…
Buti sana kung pseudo pain din ang mararanasan mo. Kaso, hindi eh. Real pain. And usually, kahit tapos na ang pseudo relationship, hindi maiwasan na umasang one day, may karugtong pa rin ’yun. And you will be miserable, hoping to bring back what you used to have. Then you will find out eventually that the guy is now in a pseudo relationship with someone else…
“The One That Got Away”
Lahat tayo, mayroong the “one that got away.”
He or she can be an ex-boyfriend or ex-girlfriend, a former manliligaw or dating niligawan, a person we used to date or got involved with, or someone we had a connection in the past.
Posibleng what we had with this person was something definite. Puwede rin pasimula pa lang. Blossoming. Promising.
Pero dahil sa wrong timing, o wrong decision, o baka dahil sa distance or circumstances, o sa mga tao sa paligid, nahiwalay tayo sa kanila. Maaring umalis siya at nawala, o tayo ang umalis at nang-iwan; at naudlot na nga o natigil ang possible sanang relationship with this person…
Napapatanong tayo sa ating sarili: Ano kaya kung hindi kami naghiwalay? Ano kaya kung hindi siya nawala? Ano kaya kung binigyan ko siya ng chance? Ano kaya kung pinatawad ko siya agad? Ano kaya kung hindi na ako nag-inarte noon? Ano kaya kung pinaglaban naming ang isa’t isa? Ano kaya?…
Sadyang makulit lang talaga tayo. Hindi na tayo nakuntento sa kung ano’ng meron ngayon at gusto pa natin balikan iyong nakalipas na. Pinapakialaman natin kung ano ang dinikta ng tadhana…