I am not abreast of what they now teach grade school children, but I do remember that there were a lot of non-school songs or verses in the old days that were instructional.
Food was a favorite topic. It acquainted children with, say, the different kinds of vegetables or fish, sometimes even showed their hierarchy. As in, prized fish like the tanguingue and lapu-lapu were the Hari or Prinsipe and the katulong were the dalag, the sapsap and the dilis. Here is a sampling.
‘Ako’y Yayaon’
Ako’y yayaon
Sa bayan ng Concepcion
Kabayo ko’y talong
Walang urong-urong
Latigo ko’y sitaw
Estribo ay patola
Renda’y ampalaya
Siya ko’y kamatis
Pinakamapula.
‘Pulong ng mga Isda’
Noong Lunes
Ako po ay maagang maaga
Bingwit at buslo ko’y dala
Sadyang mamalakaya.
Pagbaba ko’t paglusong
Tubig ay nag-iinalon
At kung kaya pala gayon
Isda’y nagpupulong.
At ang pinag-uusapan
Akin pong napakinggan
At narinig ang sigawan
“Biba ang Haring Alumahan!”
May anak siyang Prinsipe
Yaong isda pong Tanguingue
Kapatid niyong Mamali
At pinsan nito’y Kanduli
Bangus ang hanay ikatlo
Ikaapat ang Bakoko
Ikalima ang Bisugo
Ikaanim ang Alimango
Ang Huwes nila’s Banak
Piskal nila ay Apahap
Katulong ay Alakaak
At iyong Dalag at Sapsap
Nahahabla itong Hasa-Hasa at Tulingan
Doon sa kanilang hukuman
Sugpo, Hipon at mag-anakan
Pusit at Dilis ang kalaban.
Tatlo yaong Abugado
Una sa lahat ang Lapu-Lapu
Ikalawa ang Hito
Maya-Maya ang ikatlo.
‘Digmaan ng mga Gulay’
Noong unang panahon
Sa Konstantinopla
Hari ang Pipino
Reyna ang Malunggay
May anak-anakan
Na isang prinsesa
Bansag ang pangalan
Si Donya Patola
Sa kagisa gisa ko
Nagkagulo-gulo
Lumabas ang lahat
Ng mga kontraryo
Nagpaembahada
Ang Heneral Upo
Ang Kondeng Kalabasa
Ang siyang sumaklolo
Ang sundalong Talong
Sulong pa ng pasulong
Sundalong Patani
Ang siyang sumalubong
Sarhento Bataw
Sundalo’y tinipon
Dahilan sa gerang
Hindi maiurong.
‘Ako ay Nagtanim’
Ako ay nagtanim
Kapirasong luya
Tumubo ay sili
Namunga ay mangga
Nang pipitasin ko
Hinog na papaya
Nahulog sa lupa
Magandang dalaga.
‘Sinigang na Matabang’
Inday, Inday sa balitaw
Kahoy nakahapay
Sandok nakasuksok
Palayok nakataob
Sinigang na matabang
Kulang sa sampalok.
‘Gising na Nonoy Ko’
Gising na Nonoy ko
Lalamig ang hain
May nilagang manok
Inihaw na sisiw
Talbos ng bayabas
Buko at balimbing
Sabi ng Kastila
Mabuting pagkain
Sabi ng Nonoy ko
“Kakanin ko na lang matsing.”
‘Mangga’
Isang butong mangga
Aking tinanim
Tanim na ng tanim
Tanim na ng tanim.
Lumipas ang araw
Mangga ay nagbunga
Bunga ng bunga
Bunga ng bunga.
Pagsapit ng Mayo
Ay aking sinungkit
Sungkit na ng sungkit
Sungkit na ng sungkit.
Pagka sungkit ko
Ay aking kinain
Kain na ng kain
Kain na ng kain.
Feeding back
I got quite a number of feedback to my “Mashed Potato” piece (how some marriages can be mashed so well you cannot tell the partners apart). Each had a different take on it—resigned, envious, compassionate, bewildered, asking advice.
Sagot ko: Swerte swerte lang ’yan. Kung ’di mashed potato ang makuha mo, cold potato, kundi cold potato, hot potato (dinudumog ng girls), kundi hot potato, French fries (nagta-trabaho sa McDo), kundi French fries, potato pancake (flat, boring), kundi potato pancake, potato chips (“chipskate”).
Ganyan lang ang life. Enjoy!