Meet the ‘Raks Not Dead’ boys of OTWOL

BENJ Manalo and Paeng Sudayan are Axl and Kiko, candidates for “Pambansang sidekick” of the undisputed “Pambansang hubby”  PHOTO BY ALEXIS CORPUZ
BENJ Manalo and Paeng Sudayan are Axl and Kiko, candidates for “Pambansang sidekick” of the undisputed “Pambansang hubby” PHOTO BY ALEXIS CORPUZ

 

If James Reid’s “On the Wings of Love” (OTWOL) character, Clark Medina, has been dubbed the “Pambansang hubby,” his minions, Axl and Kiko, played by theater actors Benj Manalo and Rafael “Paeng” Sudayan, respectively, won’t let themselves be left behind. Their mission: to also be named, the “Pambansang sidekicks.”

 

In what turned out to be a hilarious afternoon chat with Benj and Paeng, we learned that it was Benj who was originally cast as the ever-hungry Kiko, while Paeng confessed that he dreaded the possibility of him being tasked to don the Santa Claus outfit for Tenement Uno’s Christmas party in the show’s Yuletide episode.

 

OTWOL, on its own, is already golden. Add these two scene-stealers, and you’re sure to have the best, wackiest primetime experience this side of television.

 

What were you doing before OTWOL?

 

Paeng: I was a member of Philippine Education Theater Association (PETA). I was part of the cast of “Rak of Aegis.”

 

Benj: Me I’m doing the same thing. Pero I’m a guest artist lang for PETA. For the musical “Rak of Aegis,” I’m doing Tolits, and before that, I was a professional dancer.

 

How did you get this OTWOL gig?

 

Benj: From Jerald Napoles (who alternated as Tolits in “Rak”). Sabi kasi ni Je, Direk Tonette (Antoinette Jadaone) was looking for another character from “Rak of Aegis” na pwedeng ipasok sa OTWOL. I was advised that I will be doing the Kiko role, tapos nung nakita na nila ako, parang, “Ok hindi sya yung figuratively mukhang matakaw, so we need another one.” Pero meron na silang isa pang role dun, which is Axl, na rakista. So dun ako mas bumagay.

 

Paeng: Tapos yun, napunta na nga ako, kasi kung mukhang matakaw rin lang naman, alam na natin yun. (laughs)

 

Who came up with “Raks Not Dead”?

 

Benj: Sa line kasi yun e, parang which was originally, “Punks not dead,” and we talked about it na parang, “Uy pwede pala natin syang gamitin na parang substitute for agreeing, or any emotions na nararamdaman namin.” Kunwari malungkot ka, “Raks not dead ka ba ngayon?”

 

Paeng: O kaya pag gutom ako, “Raks not dead na ako,” tapos dadagdagan mo na lang ng nuances para makita ng tao kung ano ba talaga yung gusto mong sabihin.

 

Benj: Part talaga sya ng script. Once lang sya nilagay sa script, tapos parang pagkadeliver natin, parang, “Uy gawin natin tong Raks not dead,” and then we did the handshake tapos yun pumatok sya.

 

Paeng: Nilagyan na namin ng hashtag na #Teamraksnotdead. Tapos sinama na namin si James (Reid) kasi wala na syang nagawa. Hindi sya pwedeng humindi. (laughter)

 

Ok lang na mag-adlib kayo?

 

Benj: Basta pasok sa character. Pinayagan kami kasi mababait sina Direk Tonette, Direk Jojo (Saguin).

 

Paeng: Actually, nung first day namin, puro adlib na kami e, tapos wala na lang silang nagawa. Natanggap na lang nila na ganon kaming tao.

 

 

Did you expect ba na your characters would last this long?

 

Paeng: To be honest, hindi talaga.

 

Benj: Actually may isang week dun na hawak namin yung script, sabi namin, “P’re, babay na.”

 

Paeng: Tapos pagbukas namin ng bagong script, unang linya, kaming dalawa! (high fives Benj) “Uy extended tayo next week!”

 

Benj: Nakakatuwa kasi parang nag-click yung chemistry namin.

 

Paeng: Tsaka ewan ko parang destined talaga na kaming tatlo yung magkakasama nila James kasi umpisang-umpisa pa lang, nag-click na agad yung chemistry namin kahit dun lang kami nag-meet talaga.

 

Benj: Kasi kami yung magkakasing-age dun e. Kasi yang si James, early 20s. Kami early 20s din. (laughter)

 

Paeng:  Actually, mukhang matanda yung si James e.

 

Benj: Oo kasi ako yung young-looking e.

 

Paeng:  Pero ako yung youngest.

 

How did you react when you found out you’re shooting scenes with (award-winning actors) Joel Torre and Cherry Pie Picache?

 

Paeng: Sobrang fan kasi ako ni Joel Torre. Yung moment na pag-upo ko sa tent, pagtingin ko sa tabi ko, si Tatay Joel, oh my God, katabi ko lang sya dito. Tapos binati nya pa ako! Sya pa yung unang bumati. Sobrang saya ng feeling.

 

Benj: Yung first eksena namin with Tatay Joel, yung nahuli na kami na nang-stalk kay Leah, and then wala kaming script nun, nasa sulok lang kami.

 

Paeng:  Takot kasi kami nun e.

 

Benj: Pero, during the scene, while it was taping, sobrang ramdam na ramdam namin sya, at ang layo pa nya sa amin nun ha.

 

Paeng: Sabi ko kay Benj, “Grabe yung bato nya,” tapos nakikita ko na hindi sya nagda-drop ng character kase pagkatapos, “Cut!” makikita mo pa rin na galit sya. “Action!” tapos ibabalik na lang nya. Parang, “Ang galing-galing nya!”

 

Paeng: Tapos naging ka-close rin namin si Ms Pie, na unexpected namin na magiging kaibigan namin sya. Parang nakakagulat na ang gaan agad ng loob namin sa kanya kasi ang bait nya talaga.

 

Benj: Tsaka kahit off-cam, ang dami nyang tinuturo sa amin. Through life experiences na napag-uusapan namin with Ms Pie, sobrang dami naming natututunan sa kanya, from the start, hanggang sa kung nasaan na sya ngayon. Marami kaming natututunan from Tatay Joel tsaka Ms Pie.

 

Paeng: At masaya pa namin na nakasama … yung kay Ms Nanette (Inventor). Iba rin si Ms Nanette! Na parang kahit reading palang ng linya, nakabigay na agad lahat ng emotions nya. So kapag reading pa lang nya, ang linaw na agad sayo ng gagawin mo kasi eto na.

 

 

How did you end up singing in the show?

 

Paeng:  Kasi pag halimbawa free time namin nila James…tatanungin ko si James, “Have you listened to ‘Cater to you’?” “Yes I love that song!” “Let’s make a cover.” Tapos biglaan lang, gagawa kami ng video. Tapos kaka-kanta namin, sa mga susunod na eksena, pinapakanta na kami. “Yan, magaling kumanta sina Axl at Kiko, pakantahin nyo yan dito sa eksena.”

 

Benj: Nakita kami once ni Sir Arnel (Nacario, OTWOL executive producer), “Uy ang ganda naman ng ‘Randomantic’ nyo, i-post natin sya.

 

Paeng: Pina-post sa Otwolista.com.

 

Benj: And then ginawa namin with James. Unexpectedly, nag-hit sya. Dun sila nagka-idea na, “Uy pwede pala, since manliligaw ulit si James, sila na yung pakantahin natin. Haranahin na natin.”

 

Did you in a way help or guide James with his comedic timing?

 

Paeng:  Ang maganda kasi kay James, magaling syang makinig. Nakikinig talaga sya. So pag may ginawa ka, magrereact talaga sya dun, then gaganti sya ng bato nya, so magrereact kami. Hindi namin pinag-uusapan, pero dahil nakikinig kami sa isa’t-isa, kung ano yung ibato namin, nakaka-comeback sya, nakaka-comeback kami. Ang ganda nung kinakalabasan.

 

Benj: One thing din about it is, yung comfortability rin siguro ni James sa amin, kasi sya yung type of person na hindi sya yung artista na masyadong mataas, yung hindi kami papansinin. Nakikipagsabayan sya sa kulit namin. Hindi sya yung, “O tapos na yung line ko, ok na ako.

 

Paeng: Or yung, “Ano ba ‘to, ang kukulit ng mga ‘to.” Hindi sya ganon.

 

 

Sa tingin nyo, what made your duo click?

 

Benj: Papogian lang yan.

 

Paeng: Oo naman, maliban dyan kasi given na yang pogi, good looking kami. Given na yun. (laughter)

 

Benj: Tsaka yung appeal.

 

Paeng: Umpisa pa lang nabuo na namin yung characters namin.

Benj: In layman’s term, yun yung sinasabi nila na ‘squad goals.’

 

Paeng: Sabi nga ng mga JaDine fans, parang yung characters namin, nagrerepresent sa kanila. Kung paano sila kiligin.

 

Do you have any plans for a musical collaboration with JaDine?

 

Paeng: May niluluto kami. Pero most likely kaming dalawa yun, tignan na lang natin kung masasama si James… Si James kasi yung lagi naming kasama. Si Nadine (Lustre) laging nasa tenement and sa ad agency.

 

Do you wish to be part of the next JaDine serye?

 

Benj and Paeng: Pray!

 

Paeng: We’re praying. Sana.

 

Ayaw nyong magwork with other teams muna?

 

Benj: We want to experience rin syempre yung iba’t-ibang lead stars natin sa ABS. Gusto naming ma-explore yung limits namin, pero isa ring winiwish namin ni Paeng, siguro dahil yung nabuo namin with James, hindi naman sa nagiging clingy kami, pero yung barkada naming tatlo.

 

Paeng: Na hindi na lang dun sa roles naming tatlo. Parang nabuo na lang namin in real life.

 

Benj: We want to be “Pambansang sidekicks ni James.”

 

Paeng: Kunyari si John Lloyd (Cruz), meron na syang Joross (Gamboa), may Ketchup (Eusebio), may Janus (del Prado), automatic agad, umiikot lang yan. So parang yun yung isa sa mga goals namin.

 

Benj: Why? Kaya yun ang gusto namin with James, kasi marasap syang katrabaho. Yung dalawa (James and Nadine), masarap katrabaho. Ang light-light, every time na nagte-taping kami, excited kami, sobra. Kung paano nila kami itrato as friends and as co-actors. Yun ang gusto naming balik-balikan. So nangangarap kami at nagdadasal kami na sana sa susunod nilang serye, sana kasama kami.

 

Pero gusto nyo sidekick pa rin? Ayaw nyong karibal ni James?

 

Paeng: Kasi kapag karibal, ayaw naming mawalan ng trabaho si James. Ginagawa namin to para sa kanya. Kasi masyadong delikado, risky nun. Ang risky na gagawin kaming rivals.

 

Benj: Isipin mo kung magiging kami ni Nadine, mahirap. Tapos na ang kwento.

 

Paeng: Magiging sila (Benj and Nadine), tapos makikita naman ako bigla ni Nadine, magkaka-love triangle pa.

 

Benj: Paano na si James?

 

Love square na nga yun e.

 

Paeng: Actually, kahit kaming dalawa lang, triangle na yun e (with Nadine). Kasi si James, echepwera na si James. Maputi lang naman kasi yun.

 

Benj: Lamang kami ng balbas kay James.

 

 

Can you share some funny anecdotes sa set?

 

Paeng:  Naku madami. Baka mawalan kami ng trabaho. (laughs) Yung pinag-costume kami ng cupid, meron kaming pakpak.

 

Benj:  Ang original plan, topless.

 

Paeng: Sabi ko, “Respeto! Maglalagay ako ng malong!” (laughs)

 

Benj: Tapos ako rin, pinanindigan ko na. Naka-cupid costume kami, as in naka-white shorts lang kami nun, tapos topless at may pakpak, parang, hmm. Paglabas nga namin sa set nun, tawang-tawa na silang lahat e. Parang yun yung peak ng career namin.

 

Paeng: Peak ng career namin. Peak ng kahihiyan. (laughter)

 

Benj: Para kasing nangyari sa OTWOL, pag kailangan ng kalokohan, “Axl and Kiko nyo na yan.

 

Paeng: Kinakabahan nga ako, kunyari nung Christmas party, “Pag ako naging Santa dito, hindi ko na alam.” Tapos kino-consider talaga nila! “Respeto naman!” (laughs)

 

Benj: Yung Christmas party sa tenement gusto talaga syang pag-Santa-hin. Nakakatawa lang. Palagi kaming pinagtitripan.

 

Paeng: Pero okay lang, napapasaya naman namin sila kahit pagod na lahat.

 

Ano pa yung dream roles nyo, aside sa as rivals ni James?

 

Benj: Gusto nyang maging ka-love team si Sue.

 

Sue?

 

Paeng: Huy!

 

Benj: Bakit? Pinupush ko na nga para sayo e. Ilagay po natin ito:Gusto po nyang maging ka-love team si Sue Ramirez ng Pangako Sa’yo.” Crush na crush nya yun.

 

Noted. Sue Ramirez.

 

Paeng: Kasi naman, secret nga lang yun.

 

Benj: Bakit? Best friend mo nga ako bro e. Nilalabas ko para sayo.

 

Paeng: Bahala ka. Pero sabihin nyo secret lang yan tapos pinupush lang nya (Benj).

 

Benj: Secret lang natin yan. (To Paeng) So ano nga dream role mo?

 

Ah hindi pa ba yun yung dream role mo, yung ka-loveteam si Sue?

 

Paeng: Aside from that, gusto ko ma-try mag-action! Ang saya nun. Yung chubby guy na nasa action. Kasi di ba usually mga matitipunong guy, pero ako, chubby guy pero astig.

 

Benj:  Ako gusto ko naman, hindi naman kontrabida, pero yung astig talaga. Yung tipong Robin Padilla roles. Or, comfortable kasi ako talaga dun sa makulit na sidekick. I want to stay on that path, as of now. Kasi dun ko mas nakikita ko yung sarili ko. Mas nagiging natural ako. Pero I’m not afraid naman to try other roles.

 

OK, silly questions tayo. How many bags of chips do you consume for your scenes?

 

Paeng: Actually nung first taping days, kinakain ko talaga sya lahat, kasi di ko pa kabisado yung pan nung camera. Akala ko laging nakatutok sa akin yung camera. So nangyayari, sa isang eksena, kunyari, nakaka-apat na bag of chips ako.

 

Apat?!

Benj: Actually tumaba kami sa OTWOL. Ako aminado ako dun, kasi hunky-hunky yung ano ko e…

 

Paeng: Woooow …

 

Benj:  Pang-Cosmpolitan ako e. Kaso nung nag-OTWOL ako, ayun, naging chubby ako. Pero cute pa rin.

 

Who has the better hair, Axl or Gabby?

 

Paeng and Benj: Si Gabby!

 

Benj: Automatic yun. Ako puro patay buhok ko e. 

 

Paeng: Mas diretso pa nga sa buhay ko yung buhok ni Gabby e. (laughs)

 

 

If you were Clark, would you let Leah go?

 

Paeng: Actually, oo. Kasi sino ba naman ako para pigilan yung pangarap ng isang tao

 

(Both break out into an Aegis song.)

 

Paeng: Pero sino ba naman ako, kahit boyfriend nya ako, asawa pa nya ako, sino ba naman ako para pigilan yung pangarap ng isang tao. Kung yun talaga yung gusto nya, sabihin nya lang sa akin. Tatanggapin ko yun kasi wala naman akong magagawa. Hindi ko naman pwedeng ipagpilitan yung sarili ko. Pag tama na yung panahon, pag sakali na-achieve na namin parehas yung gusto naming gawin, at available pa yung isa’t-isa, siguro kung para talaga kayo sa isa’t isa, magiging kayo talaga.

 

Benj: Same sa sagot nya.

 

 

Paeng: Parang sa amin nga, okay lang kahit hindi magkatuluyan sina Clark at Leah, kasi, hindi lang naman sa romantic side napapakita ang love e, pwede naman sa friendship, sa family.

 

Benj: Tsaka isa pa, kaya okay lang sa amin na hindi maging sila, or di matuloy yung kasal, kasi para may Part 2.

 

Paeng: OO!

 

Benj: Para kasama pa rin kami.

 

Talagang may ulterior motive kayo.

 

Paeng:  Best man si Axl and Kiko. Pag nagkaroon ng ibang best man dyan…

 

E may kapatid si Clark, si Jordan.

Paeng: Bakit yun, e mas kasama namin palagi si Clark.

Kapatid yun e.

Paeng: Mas kasama nga kami palagi e. Sa amin nagshe-share ng problema yun. Kami nagpush na habulin si Leah sa airport tapos ibe-best man nya yun (Jordan)? Tsaka hindi naman porket kapatid, best man na kaagad.  (laughs)

 

Benj: Sino ba best man mo pag kinasal ka?

 

Paeng: *pauses* Kuya ko. (laughter)

 

 

What do you think happened dun sa wedding gown and tux nila Leah and Clark? Paul Cabral din yun.

 

Benj: Feeling ko, si Leah, binenta nya yun. Kasi kelangan nya ng pangpa-opera kay Tatang Sol e. Si Clark feeling ko, yun yung mga time na nagba-bar tayo e …

 

Paeng: Hindi, sinuot nya sa Star Magic Ball. Yun yung sinuot nya sa Star Magic Ball. (laughter)

 

Benj: Hindi ba yun yung pinambayad nya sa mga paglabas-labas natin?

 

Paeng: Yung Star Magic Ball nga yun, suot-suot nya. Sabi natin, “Sir, saan kayo punta?”Sa Star Magic Ball, sama kayo?” (laughs) Kasi sya yung nagdesign ng mga furniture sa Star Magic Ball.

 

 

What will you miss the most about the show?

 

Benj: Raks not Dead.

 

Paeng: Ako yung food. (laughs) Hindi, yung buong set. Akala ko ba silly questions to, bakit naiiyak ako?

 

Benj: Lagay mo na naiiyak kami.

 

 

Ok, “naiiyak sila.”

 

Paeng:  Ako  yung buong set, kasi parang family talaga, na from the staff, to the crowd, to the directors, producers, na parang pag magkakasama kami, wala kang makikitang hierarchy. Kahit veteran ka o bago ka lang, makikita mo talaga na magkakaibigan lahat, parang family lang.

 

Benj: Especially the staff … kasi alam namin yung responsibility ng bawat isa, pero when we treat each other, we’re like a family talaga. Especially in the morning, pag nagbe-breakfast …

 

Paeng: “Morning!” tapos sabay-sabay kaming nagbe-breakfast.

 

Benj: Ang sarap ng feeling na yun.

 

Paeng: Kahit stressed kami sa buong araw kasi ang daming tine-take, pero pag lunch, tigil trabaho. Kwentuhan lang kung ano yung uso.

 

Benj: Mamimiss ko rin yung luto ni Direk Jojo.

 

Paeng: Kasi mahilig mamigay si Direk Jojo e.

 

Benj: Yung mga libre ni Ms Pie. Actually mostly pagkain e.

 

Paeng: Ang takaw mo.

 

Benj: Ako? Ako ang matakaw? Sino kaya? (laughs) Seriously, lahat. From tenement, hanggang sa Pachang’s Woodshop.

 

Paeng: Mamimiss ko yung puyat (laughs). Yung early call time tapos first scene ka tapos last scene. Nakakamiss yun.

 

 

Nakapag-last taping day na kayo?

 

Paeng:  Hindi pa. Marami pa.

 

Benj: Hanggang March pa nga kami e. (laughs)

 

 

Extended?

 

Benj:  Surprise pala yun. “Akala nyo ha!”

 

Paeng:  Meron pa kami. Best man kaya ako.

Si Jordan nga.

 

Paeng:  Hindi totoo yan.

 

Benj: In reality kasi, kung papipiliin, officially, si Jordan…

 

Paeng: Actually, mas ako nga yung best man kesa sa kanya e (points at Benj). Ako yung mas close ni Clark.

 

Benj:  Sige ako na lang yung bridesmaid.

 

Paeng: Hindi, si Betsy yun e. Ay si Tiffany. Pag si Tolayts yung best man, magagalit talaga ako.

 

Benj: Ako na lang yung escort ng lahat ng…

 

Paeng: Ring bearer. Flower girl!

 

Benj:  Hindi, ako yung escort ng lahat ng bridesmaids.

 

Paeng:  Ako yung caterer.

 

Benj: O sige ikaw na lahat.

Read more...