T-shirts and ‘tito’ jokes: Remembering ‘Sir P-Noy’ | Lifestyle.INQ

OCTOBER 27, 2022

The author (center) traveling with Aquino during his three-state Europe trip in 2015

Maraming memories ang bumabalik sa anim na taong paglilingkod sa likod ninyo, Sir, pero siguro itong maliliit na personal moments ang pinaka-tumatama sa akin ngayon (habang pinoproseso pa rin ang nangyari). Nagsisimula pa lang kami n’un bilang maliit na kompanya, nang minsan kayong bumisita sa shop ng Linya-Linya sa Trinoma. Biglaan, kaya napasugod din ako agad (ibang brand pa tuloy ng shirt ang nasuot ko). Hirit ko sa inyo, “From state visit noon, naging store visit na ngayon.” Natawa naman kayo. Gumagana pala talaga ang “tito jokes” ko.

Pagkatapos n’un, madalas na rin kayong nagpapatanong ng sizes ng shirts, at kung may available designs, dahil may padadalhan o reregaluhan kayong kaibigan.

‘Tiwala, suporta at pagkilala’

Nagulat din ako, na noong 2016, unang speaking engagement n’yo yata ’yun pagkatapos ng term, nabanggit n’yo sa harap ng napakaraming tao sa DBS Asia Leadership Dialogue sa Singapore: “One of my staff went to open a retail shop to make shirts; they opened multiple shops in a month. The dream is that you can make something that you will be happy about.”

Ewan ko, pero n’un pa lang, halos maiyak na rin ako, walang mapaglagyan ang tuwa, dahil napakalaking bagay n’un sa akin (at sa aming lahat sa Linya-Linya)—ang makakuha ng tiwala, suporta at pagkilala bilang nagsisimula pa lang at nag-iipon ng kumpiyansa—mula sa inyo.

Working with Aquino in Malacañang

Nitong February lang, nakapagpaabot pa ako sa inyo ng shirts sa Times, at sabi ni Ate Yolly, pagkabasa rin ng letter na pinadala ko, napangiti raw kayo.Masaya akong nakasama kayo sa serbisyo, Sir. Masaya akong bitbit ang karanasan at ’di mabilang na natutuhan, hanggang ngayong wala na ako sa gobyerno, at nagpapatuloy sa nasimulang negosyo (habang tuloy ding gumagawa ng paraang makaambag). Masaya akong tulad ko, mas nakikita ng marami na marami kayong nabigyan din ng inspirasyon, sa maliliit o malalaki mang paraan o pagkakataon. Sabi nyo nga, “the Filipino is worth fighting for”—at sana, kaming mga naiwan, patuloy pa ring lumaban.

Hanggang sa muli, Sir. Sa susunod na pagkikita, hindi ko kalilimutang magbitbit ulit ng jokes, at syempre, ng T-shirt.

#SalamatPNoy —CONTRIBUTED INQ

The author is cofounder and creative director of Linya-Linya and host of “The Linya-Linya Show” podcast. He worked with President Benigno Aquino III as a speechwriter under the Presidential Communications Development and Strategic Planning Office from 2010 to 2016.

The author (center) traveling with Aquino during his three-state Europe trip in 2015
Aquino with the author at the 2015 State of the Nation Address
President Benigno “Noynoy” Aquino III, with his Times Street staff, wears a Linya-Linya shirt that reads “Pursige hindi puro sige.”
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

MOST VIEWED STORIES

FROM THE NICHE TITLES