A PLHIV’s letter to their future self - SCOUT

OCTOBER 27, 2022

The first of December is  World AIDS Day, a timely reminder now that recent statistics from the Department of Health (DOH) indicate that HIV/AIDS cases in the country are worsening by the day.  According to DOH data, the age of People Living With HIV/AIDS (PLHIVs) has become younger every year, with almost 30% percent of them aged 15-24 years old. There has also been an unprecedented spike in infection rate and a  predicted second wave of the HIV epidemic

Yet despite information drives and awareness campaigns meant to destigmatize this affliction,  community attitude toward HIV and PLHIV has remained negative and adversarial. It’s easy to judge people when we don’t have the first-hand experience of their plight, but getting the right information should be a personal responsibility that would hopefully create a future when HIV infection won’t come with the steep price of shame. It’s a hope that VR*, a young PLHIV, nurses as he pens a letter to his future self.

“Sa aking sarili sa hinaharap, 

Hi! Kumusta ka? Kumusta ang iyong katawan? Sa panahon, nawa’y ika’y malakas na muli at nasa estado na ng pagiging “undetectable.” Naging mahabang proseso ito ngunit ito’y mahalaga. Lagi mong tatandaan at bibitbitin na ang proseso ang mahalaga sa lahat ng bagay. Kahit na dahan-dahan, kahit papaano, nakarating ka dyan, narating natin iyan. 

Hindi naging madali ang prosesong ito. Kung alam mo lang na hanggang ngayon ay mga malalapit na kaibigan mo lamang ang nakakaalam ng iyong kondisyon dahil  hindi mo pa rin masabi ito sa iyong mga magulang. Oo, nakakatakot. Oo, mahirap. Dahil na rin sa  kasalukuyang lipunan na kung saan hindi pa rin natatanggal ang stigma sa mga taong tulad natin. Nawa’y sa puntong iyan ng buhay mo, masaya sila sa’yo. Masaya sila sa mga naging desisyon mo. 

“Gamitin mo ang katawan mo bilang isang inspirasyon hindi lamang para sa iyong sarili ngunit para rin sa iba.”

Alam ko na isang bagay ang hindi magbabago sa paglipas ng panahon – ang pagmamahal nila sa iyo. Naniniwala ako na ngayon, hanggang dyan sa puntong iyan, mahal na mahal ka nila. Hindi ako mag-aalala kasi alam ko namang makakarating din tayo sa lipunan na kung saan ang mga taong tulad nila ay may alam na sa mga bagay na ating pinagdadaanan, na tayo’y tanggap na—ito ay dahil hindi naman tayo iba sa kanila. 

Tayo ay buhay. Tayo ay may buhay. Hindi tayo naiiba sa mga ginagawa nila, kaya naniniwala ako na aabot tayo sa isang lipunan na kung saan tayo ay mabubuhay nang maayos—walang pagpapahiya, walang pandidiri at walang diskriminasyon. Muli, ito ay mahabang proseso ngunit lagi nating tandaan na sa prosesong ito, aabot tayo sa ating minimithi. Naniniwala ako na kaya natin ito. 

Kaya ikaw, manatili kang malakas. Panatilihin mong malakas ang iyong katawan. Ito ang sandata mo ngayon at magiging sandata dyan sa kinakaharap mo. Sa paglipas ng panahon, may mga araw na tila ba ang bigat-bigat ng lahat. May mga araw na para bang, “Tama na, ayaw ko na.” Huminga ka. Magpahinga ka muna.

“Kaya ikaw, at para na rin sa lahat, you are loved. You are worth it. You are valid.”

Lagi mong bibitbitin at tatandaan ang natutunan ko ngayon na, “One day at a time.” Hayaan nating mabuhay tayo sa ngayon dahil ang ngayon ay mahalaga. Sa ngayon tayo manatili habang may mga malalaking plano tayong ginagawa para sa ating mga sarili at sa mga kapwa natin. At ang bawat araw na ating napagtatagumpayan ay isang malaking hakbang para sa ating buhay, dahil mas marami pa tayong matutulungan at mas marami tayong makakasama.

Gamitin mo ang katawan mo bilang isang inspirasyon hindi lamang para sa iyong sarili ngunit para rin sa iba. Sana’y sa puntong iyan, muli, tayo ay nakagawa na ng mundo kung saan ang nga PLHIV ay masayang nabubuhay dahil muli, tayo ay buhay. Tayo ay may buhay. 

Kaya ikaw, at para na rin sa lahat, you are loved. You are worth it. You are valid. Hindi ito ang katapusan ngunit simula ng isang malaya at mapagpalayang mundong ating binubuo para sa lahat. Mahal kita at ako’y mananatiling positibo!”

Read more:
This eye-opening film on HIV is finally heading to Netflix
You can now get this HIV prevention pill in the PH
Nope, we don’t have a new strain of HIV

Art by Yel Sayo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

MOST VIEWED STORIES

FROM THE NICHE TITLES