Pinoy pop nostalgia | Lifestyle.INQ

OCTOBER 27, 2022

I THOUGHT these songs from the ’70s and the ’80s that mix Tagalog and English lyrics are worth reproducing, even in an inglisera column. The first, by Gary Granada is, I think, pure poetry. And you will recognize and enjoy the rest by the very popular Hotdog group. Tagalog is, after all, our national language, and Taglish is its interesting anak sa labas ng kulambo.

 

MABUTI PA SILA by Gary Granada

Mabuti pa ang mga surot, laging mayrong masisiksikan

Mabuti pa ang bubble gum, laging mayrong didikitan

Mabuti pa ang salamin, laging mayrong tumitingin

’Di tulad kong laging walang pumapansin

 

Mabuti pa ang mga lapis, sinusulatan ang papel

At mas mapalad ang kamatis, maya’t maya napipisil

Napakaswerte ng bayong, hawak ng aleng maganda

’Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

 

Ano ba’ng wala ako na mayron sila

’Di man lang makaisa habang iba’y dala-dalwa

Pigilan n’yo akong magpatiwakal

Mabuti pa ang galunggong nasasabihan ng ‘mahal’

 

Kahit ang suka ay may toyo at ang asin may paminta

Mabuti pa ang lumang dyaryo at yakap-yakap ang isda

Mabuti pa sila, mabuti pa sila

’Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

 

Mabuti pa ang simpleng tissue at laging nahahalikan

Mabuti pa ang mga bisyo, umaasang babalikan

Mabuti pa sila, mabuti pa sila

’Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

 

Mabuti pa ang mga isnatser, palaging may naghahabol

Ang aking luma na computer, mayron pa ring compatible

Mabuti pa sila, mabuti pa sila

’Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

 

Hotdog

 

Hotdog was the top-billed band who performed in the Miss Universe Beauty Pageant in 1974, in which they sang this serenade. The first Miss Universe Beauty Pageant was in Long Beach, California in 1952. It was won by Miss Finland Armi Kuusela who married a Filipino, Virgilio Hilario. An apartment the couple built was called Gil-Armi.

 

IKAW ANG MISS UNIVERSE by Hotdog

Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko

Ilang beses ko ba namang sasabihin sa’yo

Sa piling mo, tanggal ang lumbay

Ni kasiyahan walang kapantay

Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko

 

Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko

Ilang beses ko ba namang sasabihin sa’yo

Sakit ng ulo’y tanggal bigla

Sa piling mo’y lungkot nawawala

Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko

 

Aanhin ko ang ganda ng iba

Maduduling lang ang aking mga mata, butas pa ang bulsa

At ’diba sabi ng mga matatanda

Ingat lang tayong mga bata

Kagandahan, tulad ng suwerte mawawala

 

Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko

Ilang beses ko ba namang sasabihin sa’yo

Malinaw na malinaw, ngayon at ano mang araw

Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko

Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko

 

PERS LAB by Hotdog

Tuwing kita’y nakikita

Ako’y natutunaw

Parang ice cream na bilad

Sa ilalim ng araw

 

Ano ba naman ang sikreto mo

At ‘di ka maalis sa isip ko

Ano bang gayuma ang gamit mo

At masyado akong patay sa’yo

 

’Di na makatulog

’Di pa makakain

Taghiyawat sa ilong

Pati na sa pisngi

Sa kaiisip sa’yo

Taghiyawat dumadami

 

Tuwing kita’y nakikita

Ako’y natutunaw

Tuwing daan sa harap mo

Puso ko’y dumudungaw

 

Kelan ba kita makikilala

Sana’y malapit na

Malapit na

 

 

ANNIE BATUNGBAKAL by Hotdog

Si Annie Batungbakal na taga Frisco

Gabi-gabi na lang ay nasa disco

Mga problema niya’y kanyang nalilimutan

Pag siya’y yumuyugyog, sumasayaw

 

Sa umaga, dispatsadora

Sa gabi, siya’y bonggang-bongga

Pagsapit ng dilim, nasa Coco Banana

Annie Batungbakal, sa disco isnabera

Sa disco, siya ang reyna

 

Si Annie Batungbakal na taga Frisco

Laging ubos ang suweldo n’ya sa disco

Mga problema niya’y kanyang nalilimutan

Pag siya’y yumuyugyog, sumasayaw

*Frisco is San Francisco del Monte

 

 

BONGGA KA ’DAY by Hotdog

Lahat ay nagulat nang buksan ang pinto

Sayaw ng mga tao’y biglang nahinto

Buhok mo’y Budji, talampaka’y Gucci

Suot mo’y gawa ni Pitoy

’Di nanggaling kay Eloy

Ahh, hay!

 

Chorus:

Bongga ka, ’Day

Bongga ka, ’Day

Sige lang, sige lang, itaas ang kilay

Bongga ka, ’Day

Bongga ka, ’Day

Sige lang, sige lang, itaas ang kilay

*Eloy’s was one of the first ukay-ukay

 

Inspired by Roy Regalado during a Sunday in my house.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

MOST VIEWED STORIES

FROM THE NICHE TITLES