MAKÔ Collective fights the system through zines | Lifestyle.INQ

OCTOBER 27, 2022

What do you do when everything around you seems to fall apart? That question can come off as an existential 3 a.m tweet, but it also captures what young activists face today.

There is a need for us to fight systematic oppression. But with students getting red-tagged, abducted, and physically harassed by people who want to silence them, the simplest act of dissent can be frightening. At worst, this fear can paralyze and hold us back. 

“Itong lahat, internet at sining kung maitatawag, ay nais naming isipin na tagapag-ugnay lamang ng tao sa tao at hindi na dapat humigit pa ruon.”

No one is safe from this anxiety. Not even people who are as radical as MAKÔ Collective, a group of anonymous artists producing zines to speak out against Duterte’s oppressive regime.

Read more: Leaders of the New Cool: Mac Arboleda

Nakakatulala at nakakaparalisa kasi kapag hindi mo alam ang gagawin. Hindi namin alam saan itutuon iyong galit, pagkadismaya, at panghihina,” their representative told us. “Nagbunga ito ng matinding anxiety at overthinking na nakakaapekto na sa aming mga gawain at sa relasyon namin sa pamilya at sa mga kaibigan. Hanggang sa napagdesisyunan namin na isulat ang lahat ng iniisip, lahat ng munimuni o agam-agam na naiimbak sa utak.”

MAKÔ Collective’s origin story started two years ago. During the weeks leading up to Komiket 2017, they channeled their frustrations towards the government by crafting their first zine.

Read more: Help protect farmers’ rights through these four organizations

Doon namin nahagilap ang term na ’zine,’kahit hindi talaga kami sigurado kung ano iyon at paano. Magsulat lang, ta’s ile-layout, ta’s ise-stapler namin sa gitna,” they explained. “Nag-ugat ito sa maraming pag-uusap ng pinagpatong-patong na mga tanong, hindi malinaw na mga sagot, pinagdugtong-dugtong na sa buntong-hininga at iisang sama ng loob sa kausap, sa mga institusyon at sa lipunan—sa sistema.

By crafting zines, stickers, prints, and everything (or anything) in between, their art serves as a platform and an education for anyone who wants to learn and help in the struggle. We talked to the artists who make up MAKÔ Collective on why communication is important in activism, how social media helped their cause, and why zines remain integral in protests.

Read more: This is what art activism in the Philippines looks like

In the beginning, did you already want to discuss socio-political issues or is it something everybody eventually gravitated towards?
Sa simula’t simula, nagbabangayan na kami patungkol sa sala-salabat na socio-political issues mula sa mga nararanasan, nababasa, nakakausap, napapakinggan at naoobserbahan sa pamilya, sa daan at sa paaralan. Itong bangayan (na may lambingan din) na rin ang nag-anak sa Makô. Sa totoo lang wala kaming ibang maisip na maaari o dapat na pag-usapan o hugutan ng inspirasyon kung hindi ang pang-araw-araw na karanasan, paghihirap at tagumpay ng ating kapwa Pilipino. Kung hindi lang ’din para rito, hindi rin namin mawari kung para saan pa ang paglikha namin.

Do you guys have any favorite releases by your collective so far?
Lahat paborito namin. Masaya kami sa bawat likha at so far iba’t-iba ang pinaghuhugutan at nilalatag nito na tema na malapit talaga sa amin pero iisa ang nais ipabatid. 

Apart from zines or stickers, what else can we expect from you?
Marami po kaming plano! Masaya po kaming problemahin kung ano ang pwedeng susunod na gawin o anong pwedeng pageksperementuhan o i-explore. Plano namin gumawa ng patches, sinubukan rin naming gumawa ng shirts pati tote bags. Hopefully, mga bagay na functional at portable. Pwedeng bitbitin kahit saan at kahit kailan.

Ang kawalan ng mga ganitong uri ng sining, kawalan na rin ng kabulukan ng sistema.

Who do you want to reach with your craft? Who should be able to access them?
Masa. Publiko. Kahit sino. Pero siyempre, naruruon ‘yong pagtanaw na ang mga marginalisado ang dapat makakita o makaranas nito. Sila ang kaluluwa ng aming nililikha. Kaya sinisikap namin na sa bawat espasyong malatagan namin, nakikipag-usap talaga kami patungkol sa mga isyu at konsepto na nais i-cover ng mga likha namin, at mga bitbit nitong mensahe–marahil, para makalikha ng sanga-sangang ugnayan para makapag-ambag at maipalaganap ang kulturang kontra-gahum.

Read more: Going off on Twitter isn’t the only way to be politically engaged

How do you plan to expand your craft’s accessibility?
Sobrang kritikal ang komunikasyon. Andyan na ang paglatag sa mga art/zine fairs, benefit gigs, pag-facilitate at pagconduct ng mga workshops, pag-discuss ng kakayahan at kagandahan ng zines at small press at pag-organize ng mga events na tumatampok sa mga prints bilang midyum ng creative resistance. Sa pagitan ng lahat ng ito ay aktibo kami sa social media.

Isang panibagong halimaw ang social media at batid namin ang kapangyarihan at limitasyon nito sa pagpapalawig ng kahit na anumang adbokasiya na nararapat din pag-aralan, lagi’t laging suriin at i-maximize.

Read more: Angela Stephenson discusses the Drug War through our local music scene

Itong lahat
, internet at sining kung maitatawag, ay nais naming isipin na tagapag-ugnay lamang ng tao sa tao at hindi na dapat humigit pa ruon. Kailangang lumabas sa ginagawang kahit na anumang produksyon at makiisa sa iba’t ibang mga sektor. Napakaraming community-focused activities na pwedeng mag-participate mula sa iba’t ibang organisasyon at kahit sa mga sariling initiative ng iba’t ibang mga kaibigan o kakilala.


What is your forever goal as a collective of artists?
Marahil ang “forever goal” namin ay ang ‘wag nang lumikha ng sining na nagpoprotesta. Ibig sabihin, naresolba na ‘yong mga issues o tunggalian na nangyayari sa lipunan. Nawa’y dumating sa panahon na wala nang tinatapakan, na wala nang mga uri, kaya sana mawala na rin ang mga likhang-sining na kailangan pa itong ipagsigawan, na kailangan pang ipabatid sa iba na may umiiral na pananamantala sa kapwa, na may mga naghahari-harian. 

Sa madaling sabi, ang kawalan ng mga ganitong uri ng sining, kawalan na rin ng kabulukan ng sistema. Hindi matatapos ang paggawa ng sining! Pero kung nanaisin natin ng kaunlaran at pagbabago, nararapat lang rin na sining ng kaunlaran at pagbabago ang payayabungin natin.


This story is part of our #SeenOnScout series, which puts the spotlight on young creatives and their body of work. MAKÔ Collective and many other creatives shared their work at our own community hub at Scout Family and Friends. Join the Scout Family & Friends Facebook group right here, and share your work with us in the group or through using #SeenOnScout on Twitter and Instagram.

Photos from MAKÔ Collective

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

MOST VIEWED STORIES

FROM THE NICHE TITLES