Agadelle Delfin, Power Plant Mall security guard
Noong March 15, 2020, nagsimula ang lockdown sa Metro Manila, kaya ang duty namin ay nabawasan. Noong mga panahon na ‘yun, madami kaming naapektuhan, halos kalahati ng aming kasamahan nawalan ng pasok.
Nagdesisyon akong pumunta ng Power Plant Mall para mag stay-in. Nung wala pa akong duty, nasa barracks lang ako nagluluto ng ulam, nagsasaing at naglilinis para masaya naman ang mga kasama ko. Dumating ang araw na binigyan ako ng duty, malaking bagay na sa akin. At sa mga sumunod na araw ay binigyan na ako ng aking officer ng regular duty ko.
Super blessed kami dito sa mall dahil hindi kami pinabayaan ng management. May free breakfast, lunch at dinner na sagot nila kaya sobrang nagpapasalamat kami. Pati na rin yung rapid test sa amin ay sinagot ng management.
Merlene Calimlim, Rockwell on-demand runner, Power Plant Mall, Rockwell Center
Isa ako sa mga cinema snack bar cashier na tatlong taon nang namamalagi sa aking trabaho.
Ang aking huling pagpasok sa trabaho ay noong March 15 nang aming mabalitaan na maglo-lockdown kinabukasan. Nakakalungkot isipin kung saan kami maghahagilap ng pera pangbayad sa bahay, kasi karamihan sa amin walang trabaho. Kaya nang tumawag sa akin ang Rockwell, sobra akong natuwa kasi naghahanap sila ng empleyado.
Sa kasagsagan ng pandemya kami ay na-assign sa pag-grocery sa mga residenteng hindi makalabas ng kanilang mga tirahan.
Noong una sobrang hirap kasi hindi namin alam kung ano ba ‘yung itsura ng pinabibili ng mga customers. Dito ko nalaman kung ano ang pinagkaiba ng pita bread sa Fita crackers.
Antonio Sumaoang, Edades technician
Ako ay architectural technician ng Edades. Ako ang pintor, mason at karpintero na nag-maintenance sa Edades. Nagtatrabaho ako sa Edades mula noong 2014. Bago magsimula ang pandemya, nagkasakit ang misis ko at muntik siyang mawala pero sa awa ng Diyos naka-recover na. Kaya tuloy-tuloy ang pasok ko sa trabaho para sa pamilya at dumating pa itong COVID-19 (new coronavirus disease), pero sabi ko sa sarili ko na kakayanin namin ito.
Nagtanong nga po ang misis ko kung papasok ako sa trabaho; sabi ko papasok ako dahil naasa po ang pamilya ko sa akin. Alam kong hindi tayo pababayaan ng Panginoon, kaya bago matulog panay ang dasal ko.
Amiel ‘Noynoy’ Mora, Joya Lofts and Towers technician
Since the ECQ (enhanced community quarantine) started, I’m one of the few people in my team na stay-in since the beginning. Pag sahod, lagi ako nagpapadala sa parents ko sa Bicol, but nung nag ECQ medyo mahirap magpadala since walang bukas na LBC or Palawan. Good thing this quarantine period natutunan ko maging isang BMS operator dahil hindi nakapasok yung ibang kasamahan ko dahil sa lockdown at malalayo ang inuuwian nila. Sa una medyo kabado dahil ibang linya, but pinilit kong matutunan upang matulungan ang operation ng building. Nagpapasalamat din ako sa suporta na binigay ng management sa amin.
Mark Anthony Galvez, estate groundskeeper
Yung nag-umpisa ang lockdown, nahirapan ako makapasok dahil wala nang byahe kaya nilakad ko simula Shaw kasi gusto ko makapasok. Nag stay-in na muna kami sa barracks. Binigyan din kami ng kanya-kanyang tulugan at mga gamit. Tapos sa pagkain naman may libre, malaking tulong kasi wala talagang mabilhan. Hanggang ngayon patuloy kaming nakakapasok at may trabaho sa panahon ng pandemic, maraming salamat sa Rockwell.
Florentino Hobro, West Block security detachment commander
As detachment commander during ECQ, I experienced not being with my family for three months and that was the most difficult situation, because we are stay-in. We had to do contact tracing very frequently, amid the pressure to provide information fast. I delivered to a family a pot containing the cremated remains of a deceased person. It was hard to be given this very sensitive task. I had to deal with difficult situations and people who would violate protocols, keeping in mind that we have to strictly enforce safety measures. I stayed even if there was a threat because of the kindness and generosity of Rockwell management.
John Marco Ordoñez, West Block housekeeper
Isa ako sa naatasang taga-pamili ng pangangailangan, pagkain at iba pa ng mga positive patient. Ako din ang naatasang gumawa ng pagdi-disinfect sa mga area. Takot, pagod at hirap ang nararanasan ko pero isa lang ang aking naisip, ang manalangin sa Panginoon. Iniisip ko din ang aking pamilya, para maibigay ko rin ang pangangailangan nila.
Pumipila ako sa Rustan’s buong maghapon. Madami mang panganib at hirap pero alam kong hindi matutumbasan ang lahat ng ito upang makatulong din ako sa mga katulad nilang may sakit.Rommel Duazo, The Grove technicianHindi namin maiwasan na pumasok sa loob ng units pag may concern at di ko maiwasan na makaramdam din ng takot. Lakas ng loob at doble-dobleng pag-iingat na lang ang binabaon ko. Bukod sa hirap at lungkot na nararanasan, meron din naman nakakatuwa na karanasan na aming binabalikan.
“Sarap pala tumira sa condo,” yan ang iniisip ko at iniyayabang ko pa sa pamilya ko habang ako’y naka stay-in dito sa The Grove. May libreng food na malaking tulong. At ang nakakatawa pa kasi dun, dahil nasa misis ko ang ATM card ko, siya pa ang nagpapadala sa akin ng pang gastos ko pag sweldo na, parang baligtad, ’diba?