Knowing your veggies and pisces | Lifestyle.INQ

OCTOBER 27, 2022

“THE ALIENS Are Coming! (Mebuyan, Goddess of the Underworld: What Aliens?!), by Gilda Cordero Fernando
“THE ALIENS Are Coming! (Mebuyan, Goddess of the Underworld: What Aliens?!), by Gilda Cordero Fernando

I am not abreast of what they now teach grade school children, but I do remember that there were a lot of non-school songs or verses in the old days that were instructional.

 

Food was a favorite topic. It acquainted children with, say, the different kinds of vegetables or fish, sometimes even showed their hierarchy. As in, prized fish like the tanguingue and lapu-lapu were the Hari or Prinsipe and the katulong were the dalag, the sapsap and the dilis. Here is a sampling.

 

‘Ako’y Yayaon’

 

Ako’y yayaon

Sa bayan ng Concepcion

Kabayo ko’y talong

Walang urong-urong

Latigo ko’y sitaw

Estribo ay patola

Renda’y ampalaya

Siya ko’y kamatis

Pinakamapula.

 

‘Pulong ng mga Isda’

 

Noong Lunes

Ako po ay maagang maaga

Bingwit at buslo ko’y dala

Sadyang mamalakaya.

Pagbaba ko’t paglusong

Tubig ay nag-iinalon

At kung kaya pala gayon

Isda’y nagpupulong.

At ang pinag-uusapan

Akin pong napakinggan

At narinig ang sigawan

“Biba ang Haring Alumahan!”

May anak siyang Prinsipe

Yaong isda pong Tanguingue

Kapatid niyong Mamali

At pinsan nito’y Kanduli

 

Bangus ang hanay ikatlo

Ikaapat ang Bakoko

Ikalima ang Bisugo

Ikaanim ang Alimango

 

Ang Huwes nila’s Banak

Piskal nila ay Apahap

Katulong ay Alakaak

At iyong Dalag at Sapsap

 

Nahahabla itong Hasa-Hasa at Tulingan

Doon sa kanilang hukuman

Sugpo, Hipon at mag-anakan

Pusit at Dilis ang kalaban.

 

Tatlo yaong Abugado

Una sa lahat ang Lapu-Lapu

Ikalawa ang Hito

Maya-Maya ang ikatlo.

 

‘Digmaan ng mga Gulay’

 

Noong unang panahon

Sa Konstantinopla

Hari ang Pipino

Reyna ang Malunggay

 

May anak-anakan

Na isang prinsesa

Bansag ang pangalan

Si Donya Patola

 

Sa kagisa gisa ko

Nagkagulo-gulo

Lumabas ang lahat

Ng mga kontraryo

 

Nagpaembahada

Ang Heneral Upo

Ang Kondeng Kalabasa

Ang siyang sumaklolo

 

Ang sundalong Talong

Sulong pa ng pasulong

Sundalong Patani

Ang siyang sumalubong

 

Sarhento Bataw

Sundalo’y tinipon

Dahilan sa gerang

Hindi maiurong.

‘Ako ay Nagtanim’

 

Ako ay nagtanim

Kapirasong luya

Tumubo ay sili

Namunga ay mangga

 

Nang pipitasin ko

Hinog na papaya

Nahulog sa lupa

Magandang dalaga.

 

‘Sinigang na Matabang’

 

Inday, Inday sa balitaw

Kahoy nakahapay

Sandok nakasuksok

Palayok nakataob

Sinigang na matabang

Kulang sa sampalok.

 

‘Gising na Nonoy Ko’

 

Gising na Nonoy ko

Lalamig ang hain

May nilagang manok

Inihaw na sisiw

Talbos ng bayabas

Buko at balimbing

Sabi ng Kastila

Mabuting pagkain

Sabi ng Nonoy ko

“Kakanin ko na lang matsing.”

 

‘Mangga’

 

Isang butong mangga

Aking tinanim

Tanim na ng tanim

Tanim na ng tanim.

 

Lumipas ang araw

Mangga ay nagbunga

Bunga ng bunga

Bunga ng bunga.

 

Pagsapit ng Mayo

Ay aking sinungkit

Sungkit na ng sungkit

Sungkit na ng sungkit.

 

Pagka sungkit ko

Ay aking kinain

Kain na ng kain

Kain na ng kain.

 

Feeding back

 

I got quite a number of feedback to my “Mashed Potato” piece (how some marriages can be mashed so well you cannot tell the partners apart). Each had a different take on it—resigned, envious, compassionate, bewildered, asking advice.

 

Sagot ko: Swerte swerte lang ’yan. Kung ’di mashed potato ang makuha mo, cold potato, kundi cold potato, hot potato (dinudumog ng girls), kundi hot potato, French fries (nagta-trabaho sa McDo), kundi French fries, potato pancake (flat, boring), kundi potato pancake, potato chips (“chipskate”).

 

Ganyan lang ang life. Enjoy!

 

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

MOST VIEWED STORIES

FROM THE NICHE TITLES